05 September 2007

Ang Puppy Love Ko


I.
Nang tayo’y mga bata pa ikaw ang puppy love ko,
At sabi nila’y bagay tayong dalawa.
Lagi tayong magkasama kahit saang magpunta,
Mahal mo ako, mahal din kita.
Ikaw ang puppy love ko natatandaan mo.

II.
At tayo ay nagkawalay nang pagkatagal-tagal,
Ni walang balita sa isa’t isa.
Nang muli tayong magkita ako’y ‘di mo nakilala
Dahil ako at ika’y nag iba na.

Tulay:
Ngayon ako at ika’y binata at dalaga na,
Marami ng naganap sa buhay mo at buhay ko.
Huwag mo sanang alisin sa ‘yong alaalo
Na ikaw ang puppy love ko.

Koro:
Ikaw ang puppy love ko, puppy love mo ako.
Ikaw ang puppy love ko, puppy love mo ako.
Ikaw ang puppy love ko.

III.
Ngayon ako ay ‘di na bata at sa ‘yo ay humahanga,
Muling tumibok sa ‘yo ang puso ko.
Ituloy sana nating dalawa ang ating nakaraan
Naputol nating pagmamahalan.
Hanggang ngayon mahal pa rin kita,
Iniibig kita.

(Ulitin ang tulay maliban sa huling linya)
Na minamahal kita.

Koda:
Minamahal kita, iniibig kita (2x)
Higit pa sa isang puppy love.

By: Steve I. Cortez ( 1977)

1 comment:

zethrock said...

thanx for the time in reading my blog...more power to you.